"Mama, paki-abot po." Sigaw ni Chloe sa katabing lalakeng malapit sa driver. Tila naman walang narinig. "Mama!" ulit niya.
Inis siyang lumipat sa kabilang upuan. "Manong driver, bayad po. Diyan lang po sa kanto."
Pagkababa niya ay dumeretso siya sa isang Mcdonalds na fastfood chain sa tabi. Makalipas ang limang minuto, nakahanap rin siya ng mauupuan ng biglang, "Miss, pwede bang makishare ng table?" Dahil sa sobrang gutom eh, tumango lamang siya at nang iangat niya ang ulo, gumuhit ang inis sa mukha niya. Siya kasi ang lalakeng nakasabay niya sa jeepney kanina na di man lamang pinansin yung pinaabot niyang bayad. Napatitig siya dito at hindi niya alam kung panong biglang naalis din ang inis niya sa pagkakataong yun. Gwapo ang lalake, maputla nga lamang na parang may sakit.
"Miss, may gagawin ka ba ngayon?" tanong sa kanya ng lalake. Ang totoo, meron siyang lakad nung araw na iyon. Pero ewan niya't iba ang lumabas sa bibig niya.
"Wala. Bakit?"
"Pwede mo ba akong samahan nagyon?"
"Eh di nga kita kilala eh. Bakit ako sasama sa'yo?"
"Max."
"Huh?"
"Sabi mo di moko kilala diba? Max ang pangalan ko."
"Okay Max. Pero pangalan mo lang binigay mo. Bakit ako sasama sayo?"
"Hindi mo ba pinagkakatiwalaan ang judgement mo? Pinaupo mo'ko dito at nakipag-usap ka sakin."
"Chloe.Let's say, sasama ako. Saan tayo pupunta?"
"Ikaw? Saan mo ba gusto pumunta?"
Ang weird naman ng lalakeng to. Sa isip niya. Dahil ang totoo'y may lakad naman talaga siya, naisip niyang isama si Max sa lakad niya. May bibisitahin siyang kaibigan sa isang Home for the Aged kung saan siya nagvolunteer noon.
Naabutan nilang nakatunganga si Lolo Enrico sa harap ng bintana.
"Lolo Enrico, nakatunganga ka na naman!" Sabi ni Chloe sa matanda.
Ngumiti lamang ang matanda at itinuro ang nakaframe na litrato sa mesang katabi ng kama.
"Ayan po Lolo." Habang iniabot niya ang frame kay Lolo Enrico.
"Lolo, si Max po. Kaibigan ko." Umangat ang ulo ng matanda. Ngumiti siya kay Max.
"Max, may alam ka bang kwento? Kasi gustong gusto ni lolo na kinikwentuhan siya." Baling ni Chloe kay Max.
"Lolo, gusto niyo po ako po muna magkwento ngayon?" Tanong ni Max sa matanda.
Umaliwalas ang mukha ng matanda. Palatandaan ng pagpayag ng matanda.
"...Alam niyo po lolo, meron po akong kakilalang kasing ganda po ng babaeng nasa litrato na hawak mo. Gustong-gusto niyang bumisita sa mga gwapong tulad niyo. Lagi ko po siyang sinasamahan noon. Kapag kasama ko siya nakakalimutan ko lahat ng problema ko. Masayahin kasi siya lolo. Ang ganda ganda ng ngiti niya. Dati pa lolo, nung mga bata pa lang kami, minahal ko na siya. Hindi ko lang masabi sa kanya yung nararamdaman ko. Naging matalik ko siyang kaibigan noon..."
Natigilan si Max na nakitang nakapikit na pala ang matanda.
"Ang boring siguro ng kwento ko kaya nakatulog siya." Sabi ni Max kay Chloe.
"Ganyan talaga si Lolo. Ang bilis niyang makatulog. Tena. Pagpahingahin na muna natin siya." Nakangiting sagot ni Chloe sa kanya.
Sa rooftop ng gusali sila pumunta pagkatapos non. Naging routine na ni Chloe yun, pagkatapos niyang bisitahin si Lolo Enrico ay dadaan siya sa rooftop. Mag-iisip ng konteh. Pagkatapos ay ilalabas niya ang diary niya at dun siya magsusulat. Sa pagkakataong yun...
"Ano nangyari sa kanya?" Tanong ni Chloe kay Max.
"...naging mgakaibigan kami ng matagal. Gusto kong aminin sa kanya yung nararamdaman ko kaso natatakot ako na baka mawala siya sakin. Naging takbuhan niya ako, iyakin kasi siya. Minsan gustong-gusto kong basagin yung mga mukha ng mga lalakeng nanakit sa kanya. Sinasabi ko sa kanya yun, kaso pinipigilan niya ako. Dumating sa point na hindi ko na matiis. Nagdesisyon akong sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Ngunit di ko alam, huli na pala ang lahat."
Nakatitig lamang si Chloe sa kanya. Hindi niya mawari kung bakit may kirot siyang nararamdaman habang nagkikwento si Max.
"Nung araw na iyon, tumawag sakin ang Mama niya. Binalita niya saking naaksidente ang anak niya at nasa hospital, walang malay. Kelangan niyang masalinan ng dugo. Gusto kong tumulong, kaya pinacheck ko dugo ko upang malaman kung pwede ako magdonate. Nalaman kong hindi kami compatible. Buti nalang eh dumating ang Papa niya at isang kapatid at nasalinan siya. Kasabay ng balitang gising na siya ay binalita rin sakin ng doctor na may leukemia ako at stage 3 na. Hindi ko alam ang gagawin. Siya ang una kong pinuntahan. Ngunit hindi niya ako maalala. Parang dinurog ang puso ko nung malaman kong nagkaamnesia siya at hindi niya ako kilala "
Natigilan si Chloe. Naalala niya ang kalagayan niya.
"Nung nalaman ko iyon, inisip kong buti na rin na di niya ako maalala. Dahil alam kong hindi narin ako magtatagal. Alam kong kung sa panahong nalaman niya ang sakit ko at hindi siya naaksidente ay alam kong mahihirapan siyang tanggapin na mawawala na ako. Kaya pinili kong burahin ang alaala ko sa buhay niya. Kinausap ko ang mga magulang niya at di naman nila tinutulan ang desisyon ko. Hindi na ako nagpakita ulit sa kanya."
...nalaman kong lumalala na ang sakit ko. Sabi ng doctor ko kanina, hindi na ako magtatagal. Kaya tumakas ako. Gusto ko siyang makita. Pinuntahan ko siya kanina sa kanila. Sinundan ko siya. Balak ko lang na panuorin kung paano tumakbo ang isang araw niya. Hindi ko inakalang kakausapin niya ako. Nung pinaabot niya sakin yung bayad niya sa jeep, hindi ko siya pinansin dahil nagdadalawang isip pa ako kung handa na ba akong kausapin siya. Pero di ko din natiis, nilapitan ko siya. Pinagdasal ko na sana kahit isang araw lang, makasama ko ang babaeng pinakamamahal ko."
Tumutulo ang luha ni Chloe. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Sumakit ang ulo niya. May mga bumalik na alaala sa kanya. Ngnit malabo. Ngayong hindi niya alam ang gagawin. Tumakbo siya papalayo kay Max. Ganun ang ginawa niya sa sumunod na mga oras hanggang sa napagod siya't umuwi sa kanila. Dalawang linggo siyang nagkulong sa kwarto. Pilit niyang inalala ang mga nangyayari. Pilit niya inalala si Max. Matapos ang isang buwan, nagdesisyon siyang harapin si Max. Ngunit isang sulat na lamang ang sumalubong sa kanya.
...Chloe,
Mahal na mahal kita. Salamat sa isang araw na nilaan mo. Mahal nga talaga ako ng Diyos at pingbigyan niya ako.
Pagkabasa mo ng sulat nato, kasama ko na Siya. Hihilingin ko na sana, kapag wala na ako ay ibalik Niya ang alaala mo at nang maalala mo ako at kung pano tayo lumaki at kung gano tayo kasaya noon. Mahal na mahal kita at sorry kung hindi ko to inamin noon. Pero may taong nakalaan para sayo. Alam ko iyon. Sana maging maligaya ka.
Max.
Humahagulgol si Chloe pagkatapos niyang basahin ang liham na iyon.
"Naaalala ko na ang lahat Max. Naaalala ko na." Bulong niya sa puntod ni Max.
-end-
Sorry lang naman po.
Eto lang ang kaya ko.
Project ng kapatid ko.
Salamat sa pagbasa.
No comments:
Post a Comment